ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Gwen Zamora, ayaw nang pag-usapan ang isyu sa kanila ni Elen Adarna

(Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com)
"Supportive!"
Ito ang napiling salita ni Gwen Zamora nang ipalarawan sa kanya ang kanyang boyfriend na si Jeremy Marquez. Ayon kay Gwen, supportive daw si Jeremy sa role niya bilang Vivian sa bagong niyang dramang My Mother's Secret.
"There are days na nahihirapan ako and I call him. He gives me right pep talk for me to continue my day," sabi nito.
Hindi pa nakakabisita si Jeremy sa set, ngunit nakakatulong pa din daw ito sa kanyang acting.
"Kasi 'di ba minsan mahirap umiyak? Paminsan ang happy happy ko! I need to like go back down and chill so I just call him and he gives me the right words of wisdom," paliwanag ni Gwen.
READ: 5 things Gwen Zamora wants you to know about her role in 'My Mother's Secret'
Samantala, ayaw nang pag-usapan ni Gwen ang isyu sa kanilang dalawa ng kaibigan niyang si Ellen Adarna. Matatandaang ang dating nobyo ni Gwen ay nobyo na ngayon ni Ellen.
"What are we going to gain by talking about it? Ayoko talaga pag-usapan," natatawang sabi ni Gwen.
Masaya na daw ang Kapuso beauty kaya hindi na siya nagsasalita tungkol dito.
"Why would I linger on the past if I have a brighter future?" ayon dito.
Abangan ang natatanging pagganap ni Gwen sa My Mother's Secret. Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras, sa GMA. - MARAH RUIZ, GMANetwork.com
Tags: gwenzamora
More Videos
Most Popular