ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Shamcey Supsup expecting first child with husband Lloyd Lee
Buntis na ang beauty queen na si Shamcey Supsup sa unang anak nila ng kanyang mister na si Lloyd Lee
“I think seven weeks,” sabi ng 2011 Miss Universe 3rd runner-up nang tanungin kung ilang buwan na siyang buntis.
Kailan nila nalaman na nagdadalantao na siya?
Ayon kay Shamcey, “Last week lang.Well, I had a feeling, kasi nga parang lagi akong walang ganang kumain, ganyan. And then, siyempre ako, alam mo naman sa Internet, ise-search mo na agad, like iyong symptoms, ganun-ganun."
“Tapos sabi ko, parang maraming symptoms na napi-feel ko. So, I told him, ‘Siguro better to take a pregnancy test.’ So we took it and, iyon nga, it turned positive.”
Patuloy pa ng 29-year-old beauty queen, “Isa lang iyong binili namin [na pregnancy test kit]. Once lang, and then siyempre ayaw pa maniwala noong iba, ng parents namin. Sabi, parang hindi naman lahat daw reliable, iyong mga ganun. So, we had it checked na talaga last week lang, sa doctor.”
Nang nakumpirma nilang buntis nga si Shamcey ay masayang masaya raw si Lloyd.
“Sobrang happy!” bulalas ng mister ni Shamcey.
“Actually, ini-expect namin iyon, eh. Na we were planning na before thirty, kasi natatakot ako na after thirty pa si Sham manganganak. Sabi kasi niya, iyong mom niya medyo nahirapan nang thirty-two nanganak, so isa lang siya."
“So, kami, parang ang target namin, dapat before thirty. So, nakuha naman namin iyong wish namin. We prayed for it.”
More from PEP.
Tags: shamceysupsup
More Videos
Most Popular