ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Monique Wilson thanks well-wishers after marrying girlfriend in London


Ikinasal na nitong June 12 sa Notting Hill, West London ang theater actress at women's rights activist na si Monique Wilson at ang kanyang domestic partner at London-based Filipina bank executive na si Rossana Abueva.

Matatandaang taong 2012 nang ihayag ni Monique sa publiko ang kanyang sekswalidad pati na ang relasyon nila ni Rossana.

Aniya sa mga naunang pahayag, nais niyang maging inspirasyon sa mas batang henerasyon na maging totoo sa kanilang mga sarili at huwag ikatakot ang pakikipaglaban para sa kanilang pagkatao at sa kanilang kaligayahan.

“Ang assumption ko, lahat naman ng tao alam na so bakit ko pa sasabihin? Until one day, hindi pala. The young ones, they're searching for positive role models who they can look up to and say, 'I can be like that. I don't have to hide who I am and I can fight for who I am because there have been other people who paved the way for me,'” paliwanag ni Monique.

Pitong taon nang nagsasama bilang civil partners ang dalawa, at kamakailan lamang nga ay pinalalim pa nila ang commitment sa isa't isa nang mapagdesisyunan nilang magpakasal.

Marami naman ang naantig sa kwento ng pag-iibigan nina Monique at Rossana, at marami ang natuwa para sa kanila, hindi lamang mula sa kani-kanilang mga pamilya ay grupo ng mga kaibigan, kundi maging ang ibang mga tao na sumusubaybay sa pakikipaglaban nila para sa karapatan ng mga kababaihan at ng LGBT.

Sa isang Instagram post isang linggo matapos ang kanilang kasal, nagpasalamat si Monique sa mga nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang mag-asawa.

Ayon sa aktres, “We are so moved and grateful for the outpouring of love, support and friendship. To every single one who has been on this 17 year journey with us: THANK YOU from the bottom of our hearts.”

Dagdag pa niya, hinihiling niya na magkaroon na rin ng karapatan ang mga LGBT sa Pilipinas na magpahayag ng kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng kasal.

“As you all must know, in the past, gay people have not been able to marry in the UK until recently. This unfortunately still holds true in the Philippines. Seven years ago we were able to get as close as we could to a marriage through a civil partnership. We are grateful, that last week, we were able to get full marriage equality and we only hope that all people in the Philippines will be afforded these same rights,” pagtatapos ni Monique.


— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News