ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Raymart Santiago, Claudine Barretto together celebrate daughter’s 11th birthday


Isinantabi muna ng estranged celebrity couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang kanilang patuloy na alitan upang ipagdiwang ang 11th birthday ng kanilang panganay at unica hija na si Sabina noong nakaraang Biyernes, June 19.

Buo ang pamilya nina Raymart at Claudine sa naturang selebrasyon na ginanap kasama ang bunso nilang si Santino at ang mga classmate ni Sabina.

Ayon kay Claudine sa isang Instagram post kung saan makikita silang apat bilang isang buong mag-anak, “Happy 11th Birthday to our Princess Angel. You have brought too much joy to our family. We thank God for you every single day. We love you so much! We will always be here for you.”

Mayroon ding ibinigay na cake ang dating mag-asawa na may mensaheng “Happy 11th birthday Sabina. Love Mama, Papa, and Saint.”

 

To our Princess Sabina happy happy Birthday! We luv u so so much!??

A photo posted by @claubarretto on



 

A photo posted by @claubarretto on




 

A photo posted by @claubarretto on


Samantala, nag-post naman ng video messages si Raymart para sa kaarawan ng kanyang anak.

Sa isang Instagram post kung saan makikitang kinakantahan ng "Happy Birthday" song si Sabina bago siya mag-birthday wish, sinabi niya sa anak na, “Happy birthday my Sabina. I love you.”

Ipinakita naman ng aktor sa isa pang video post ang large pizza na na-order nila para kay Sabina at sa mga bisita nito.

Cute na cute na ngumiti ang dalawang anak ni Raymart habang kinukunan niya ito ng video, at bakas na bakas sa kanila ang pag-e-enjoy sa naturang birthday celebration.


 

Happy birthday my Sabina...i love you ????

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on



 

Did you order LARGE pizza????

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on


Sa kabila ng mga kasong kinahaharap nila matapos ang naganap na hiwalayan, kapansin-pansin sa social media ang madalas na pagsasamang muli nina Claudine at Raymart para sa iba't ibang activities na kanilang mga anak.

Nitong Marso lamang, nagkaroon sila ng reunion nang magkakasamang nagpunta sa fun run na inorganisa ng Multiple Intelligence International School (MIIS) kung saan nag-aaral si Sabina.

Ayon kay Claudine, civil ang relationship nila ng dating asawa at aminado siyang nag-uusap na silang muli para sa mga anak nilang sina Sabina at Santino.

Nais daw nila na maging mabuting mga magulang sa dalawa nilang anak sa kabila ng paghihiwalay nila bilang mag-asawa. — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News