ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Fernando Carrillo all praises for Pacquiao, looks forward to film project together
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkita na nitong Miyerkules ng gabi ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo, na mas kilala ng mga Pilipino bilang si Fernando Jose ng hit Mexican drama series na “Rosalinda,” at si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos ipahayag ng “Rosalinda” star ang kagustuhan nitong gumawa ng pelikula kasama si Pacman.
Sa dalawang magkasunod na Instagram posts ni Carrillo, ipinahayag niya ang paghanga at papuri sa Filipino world boxing champion dahil umano sa pagiging mabuting tao nito at sa pagiging totoong alagad ng Diyos.
Bukod pa riyan, nagpasalamat din ang Venezuelan actor sa patuloy na pagtanggap sa kanya ng sambayanang Pilipino.
Nasasabik na rin umano si Carrillo sa film project na nakatakda nilang gawin ni Manny na tinawag niya “Los Elites,” lalo na at naniniwala raw ang Pambansang Kamao sa proyektong kanyang nabanggit dito sa kanilang pagkikita.
A photo posted by Fernando Carrillo (@ferrcarrillo) on
Samantala, nitong Huwebes naman ay ibinahagi rin ni Carrillo ang isang video sa kanyang Instagram account kung saan nagkakatuwaan naman sila ni Manny matapos nilang mapagusapan ang proyektong nais niyang gawin kasama ang Pambansang Kamao.
Makikita sa naturang Instagram post na tinuturuan ni Manny ng ilang Tagalog words ang Venezuelan actor at ngayon ay isa na ring producer.
“Maraming salamat po, mga Kapuso,” ayon kay Carrillo sa video.
Dagdag pa niya sa caption ng kanyang Instagram post, “The Real Champion Manny Pacquiao, teaching me some Tagalog. I will learn in the next year I promise Manny, before we shoot #loselites. Thank you for your holy words of inspiration. Thank you brother. MABUHAY! I so love this country. Thank you Philippines for so much love.”
A video posted by Fernando Carrillo (@ferrcarrillo) on
Sinabi naman ni Manny na kung sakaling matuloy ang proyektong ito kasama ang sikat na “Rosalinda” star, magkakaroon ito ng magandang layunin at makatutulong sa kapwa niya Pilipino.
Inaya na rin umano ng Pambansang Kamao si Carrillo na bumisita sa kanyang hometown sa General Santos City sa South Cotabato. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: fernandocarrillo
More Videos
Most Popular