LOOK: Ryzza Mae Dizon gets baptized, gets advice from ‘Ninang’ Belle Daza
Nitong linggo lamang, nabinyagan na bilang isang Kristiyano ang "The Ryzza Mae Show" host at "Eat Bulaga" Dabarkads na si Aling Maliit Ryzza Mae Dizon.
Kasabay ng mahalagang milestone na ito sa kanyang buhay, isa sa mga kinuhang ninang ng sikat na child star ang kanyang ate at personal tutor, at ang TV actress and host na si Isabelle Daza.
Kaugnay nito, nag-post ng short but very sweet message si Ninang Belle para sa kanyang bagong inaanak sa binyag.
Aniya sa isang Instagram post, “Welcome to the Christian world, Ryzza! I'm so proud of all you have achieved in your career and in your school. Remember to keep God at the center of your life. I will always be here for you. Love, Ninang/Teacher Belle.”
Bilang tanda rin ng mahalagang araw na ito, binigyan ni Isabelle ng kwintas na may crucifix si Ryzza.
Matatandaang malapit ang loob ng 10-year-old child star kay Isabelle dahil nagkasama sila sa longest-runnong noontime show noong nakaraang taon at naging turor pa nga niya ito.
Sa kabila ng pag-alis ni Belle sa "Eat Bulaga," nanatiling malapit ang isa't isa at madalas pa rin silang nag-uusap lalo na sa social media at sa pamamagitan ng ilang Instagram posts.
Noong kaarawan din ni Ryzza, hindi pinalampas ng TV host and actress ang pagkakataong mabisita si Aling Maliit at maki-celebrate sa mga Dabarkads. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News