ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
AiAi Delas Alas' son Sancho Vito opens street food-themed restaurant with fellow actor, friends
Kasunod ng maraming artistang pumapasok sa food business, nagtayo na rin ng sariling restaurant ang anak ng Comedy Queen na si AiAi Delas Alas kasama ang kanyang mga kasamahan sa showbiz at ilan pang mga kaibigan.
Nitong nakaraang linggo, nagsimula na ang dry run o soft opening ng 'Skinita Street Foodz,' ang casual dining restaurant na specialty ang Asian street food, gaya ng Beef Pao, Pork Pao, Tapa at Longganisa Fried Rice.
Itinayo ang naturang restaurant ng ilan sa fresh bloods ng Philippine showbiz na sina Sancho Vito Delas Alas at Arjo Atayde, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan, sa Kapitolyo, Pasig City, isa sa mga kilalang food strips sa Metro Manila.
Ayon kay Arjo sa kanyang Instagram post, ito ang kauna-unahan niyang business venture kaya naman excited siya na maibahagi ito sa lahat.
Very hands-on naman si Sancho sa pagpapatakbo ng kanilang food business, kaya naman present siya sa mula sa construction ng restaurant, hanggang sa lahat ng board meetings, food tastings, at pati na sa blessing nito noong nagdaang linggo.
A photo posted by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on
A photo posted by Skinita Street Foodz (@skinitastreetfoodz) on
Full support naman ang ina ni Sancho na si AiAi, na nitong Huwebes lamang ay bumisita sa bagong bukas na restaurant. “Hindi dahil isa si Sancho sa owner... (PERO) NAPAKASARAP NG FOOD! CONGRATULATIONS SKINITA! And sa lahat ng owners ng Skinita! The best ever!” pahayag ng Kapuso actress and comedienne. Maaaring makakuha ng updates tungkol sa nalalapit na grand opening ng 'Skinita' sa Instagram account na @skinitastreetfoodz.
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Matatandaan nga na kamakailan lamang ay ipinakilala ng 'Starstruck' alumni na sina Ryza Cenon at LJ Reyes ang “Paburrito” o “paboritong ulam in a burrito,” na nagsimulang mag-serve ng pagkain sa iba't ibang bazaars nitong Mayo. — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News
More Videos
Most Popular