LOOK: Ian de Leon weds long-time girlfriend; Erap among attendees
Ikinasal na nitong Linggo, July 12, sa isang clubhouse sa Quezon City ang aktor na si Kristoffer “Ian” de Leon sa kanyang long-time girlfriend na si Jennifer Orcine, na anim na buwan na ring buntis sa kanilang unang anak.
Kabilang sa mga dumalo sa kasal ng 39-year-old actor at ng kanyang kasintahan sa loob ng anim na taon ang kanyang ama at “Beautiful Strangers” star na si Christopher de Leon at ang asawa nitong si Sandy Andolong, pati na ang kanyang kapatid at “My Mother's Secret” star na si Lotlot de Leon at ang anak nito at Kapuso host-actress na si Janine Gutierrez.
Naroon din si former President and Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada bilang isa sa principal sponsors ng bagong kasal.
Kabilang pa sa listahan ng mga ninong at ninang ng mag-asawa sina Manila Vice-Mayor Isko Moreno, Master Showman German Moreno, batikang manunulat na si Ricky Lee, entertainment executive na si Malou Choa-Fagar, at marami pang iba.
Hindi naman nakadalo ang nakababatang kapatid ni Ian na si Matet de Leon dahil kasisilang pa lamang nito ng kanyang ikatlong anak noong nakaraang linggo.
Hindi rin namataan sa seremonya ang kanyang ina na si Nora Aunor.
Ian & Jenny de Leon?????? @kris_ian_de_leon @jennoxes
A photo posted by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong) on
Hubby & I w/ Mr. & Mrs. Kristoffer Ian de Leon?????? @kris_ian_de_leon @jennoxes
A photo posted by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong) on
We are family!!! ???????? #blessingsonblessings #love #family #grateful
A photo posted by Lotlot De leon (@mslotdeleon) on
#IanJennydeLeon w/ sister @mslotdeleon #deLeon #joseph cousins?????????? @kris_ian_de_leon @jennoxes
A photo posted by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong) on
A photo posted by Lotlot De leon (@mslotdeleon) on
#ianjennywedding @mslotdeleon @melissadeleonj ????
A photo posted by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong) on
— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News