Gabbi Garcia silences religious issue allegedly hindering budding romance with Ruru Madrid
Simula nang pasukin ni Gabbi Garcia ang showbiz, wala ng ibang nai-loveteam sa kanya kung hindi si Ruru Madrid , kaya ganoon raw talaga sila kakumportable sa isa’t isa.
Handa na ba si Gabbi kung sakaling maisipan ng GMA Network na ipareha siya sa iba pagkatapos ng primetime series nilang Let The Love Begin?
Tugon ng Kapuso teen actress, “Actually, tuwing napag-uusapan namin yun, may ano na, ‘Baka sa next soap natin, hindi na tayo ang partner,’ yung ganyan Pero now naman po, hindi pa namin napi-feel na paghihiwalayin kami. Feeling ko po kasi, nagsisimula pa lang din naman ang loveteam namin so ide-develop pa nila.”
“Kung sakali at mangyari man yun, okey lang din naman po para ma-try sa iba. Hindi rin naman po doon mag-i-stop kung anuman ang na-build naming relationship. Kumbaga, nasa sa amin pa rin po yun kung magiging close kami o hindi.”
“It’s showbiz, it’s work, we can’t really tell kung kailan kami paghihiwalayin. Pero kapag napag-uusapan namin yun, nasa-sad din kami kahit paano. Halos every day na kaming magkasama. Kumbaga, hindi na kami others sa isa’t isa.”
Reel to real?
Hindi ba talaga nakaka-“develop” ng feelings ang pagiging magka-loveteam nila ni Ruru.
“Siguro sa pagka-develop… basta ang masasabi ko, si Ruru ang palaging unang tao na kinakausap ko. Palagi kong tinatawagan kapag may gusto akong kausapin. Pero hindi pa naman po dumarating sa ganoong point… tanungin niyo na lang po siya!” natawang sabi pa niya.
Nanliligaw ba sa kanya si Ruru?
“Parang wala pa naman po yatang ganun, ewan ko sa kanya, tanungin niyo po siya,” iwas ni Gabbi.
Sa ngayon kasi, ang tila nakikitang puwedeng maging hadlang sa kanila ay ang relihiyon nila, bilang Katoliko siya at Iglesia ni Cristo naman si Ruru.
Pahayag ng 16-year-old actress tungkol dito, “E, sa lahat naman po yata talaga, yung mga ganung bagay, pinag-iisipan talaga. Pero as of now, yung hadlang... wala pa naman po sa hadlang-hadlang, kasi wala naman pong nangyayari sa amin.”
“Hindi pa po ako naba-bother dun. Parang our young minds don’t extend pa dun sa mga religion. We don’t talk about it naman." - Pep.ph