Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lorna Tolentino closes door on love




Pitong taon nang biyuda ang Grandslam Queen na si Lorna Tolentino, pero hindi na raw sumasagi sa isip niya ang magkaroon pa ng bagong pag-ibig.

Biro ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media; “I’m 53 years old. Kung mga forty-something, baka puwede pa.”

May mga nagpapahaging o nagpapahiwatig pa ba sa kanya ngayon?

Humahalakhak na sagot ni Lorna, “Tapos na, tapos na yung mga nagpahaging, wala na.

“Meron na silang kanya-kanyang pinahaginan na iba!”

Nakikita ba niya ang sarili na tatandang walang kaagapay ang puso?

“Yeah. Misterless? Yeah!” mabilis na sagot ni Lorna.

Inamin din ni Lorna na hindi pa siya totally nakakapag-move on mula sa pagpanaw ng asawa niyang si Rudy Fernandez noong June 2008.

“Seven years na. Adjusting pa din, minsan meron kang hahanapin, e,” sabi niya. -- For the full story, visit PEP.
 
LOADING CONTENT