Comedian Roderick Paulate explains why he is still single
Sa pag-upo ni Roderick Paulate sa mesa para makausap ang entertainment press na dumalo sa presscon ng ABS-CBN sitcom na That's My Doc!, iisa ang inihahaing tanong sa kanyaâang tungkol sa kanyang pag-aasawa at kung bakit nananatili pa rin siyang bachelor hanggang ngayon. "Mahirap sagutin âyan in the sense na ano ba, mag-aasawa lang ba ako for the sake of? Nagkaroon naman ako ng mga relationships before. Matatagal. Pero siguro, hindi pa meant to be o hindi pa talaga time," sabi niya. Nasolo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Dick sa Cigar Room ng 9501 restaurant. Dito na niya nasabi ang saloobin niya tungkol sa nabinbin niyang pag-aasawa. Diretsahan na rin naming sinabi sa kanya na hindi nawawala ang gender issue sa katanungang âyon. "Si Mamang [Roderick's mother], eighty-three years old na," panimula niya. "Siya ang buhay ko. And âyung mga past girlfriends ko naman, naintindihan naman nila ang closeness namin ni Mamang. Sa panahong ito, na she needs me moreâdahil labas-masok na nga siya sa hospitalâimposible for me na mabigyan ko ng time ang magiging karelasyon ko. "Kaya nga sabi ko, mahirap ipaliwanag, e. Kasi kung makakarinig lang ako ng mga panunumbat o hihingan ako ng choice, dun pa lang, turn-off na ako kaya mas magandang wala na lang, di ba? Sabi ko nga sa âyo, Mamang is eighty-three na. Huwag naman sana...pero alam mo âyon? Gusto ko âyung...ayokong sabihing last days...maiiyak na naman ako niyan, e...pero alam mo âyon...kaya hangga't maaari, gusto ko nasa tabi niya ako lagi." Wala pa bang babaeng nakaintindi sa kanya sa closeness nila ng kanyang Mamang? "Sa naging past girlfriends ko [Jackie Aquino and Atty. Olma Inocentes], hindi naging issue âyon. Pero siyempre, alam mo na puwedeng nasa stage na gusto na nilang mag-settle down and ako ang hindi pa puwede. "Kasi, sa akin, kahit na mag-asawa na ako, magiging bahagi pa rin ng buhay ko si Mamang, ang pamilya ko. Na hindi naman kailangang mag-interfere sa relasyon naming mag-asawa kung sakali. "Alam ko, e. Alam ko how I can do it. Pero ang tanong nga, e, kung may babae bang mamahalin ako to that extent? Wala pa. So, ganun âyon. "Ang gender issues na âyan sa akin, estudyante ka pa lang âata nung magkakilala tayo sa Anna Liza, isyu na âyan na hindi mamatay-matay," pahabol niya. Bago ang sitcom na ito ng ABS-CBN ay huling napanood si Roderick sa soap opera ng GMA-7 na Makita Ka Lang Muli. Ito ba ang comeback vehicle niya sa Kapamilya Network? "Hindi ako umalis," paglilinaw niya. "Wala pa akong gagawin that time and an offer came. Drama naman ang ginawa ko doon. So, walang naapektuhan. Ngayon, I'm enjoying again dahil balik ako sa comedy. "Kilala mo rin ako with the projects I accept. Nung ginawa ko âyung drama soap na âyon sa kabila, I was inspired with the role that was given to me. Mabigat, e. Now, inspired uli ako because I am doing the one thing na gustong-gusto ko rin, ang magpatawa at muling kilitiin ang audience namin," pahayag ni Roderick. - Philippine Entertainment Portal