ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Tita Dub’ Maine Mendoza welcomes new nephew


Nagsilang ng isang healthy baby boy ang kapatid ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na si Niki Mendoza-Catalan nitong Huwebes.
 
Masaya naman sinalubong ni Maine ang bago niyang pamangkin na si Matti.
 
"Woke up to this! My sister just gave birth to a healthy baby boy this morning. Welcome to the fam, little Matti!" aniya sa isang tweet.
 
 
 
Pati ang batikang host at "Eat Bulaga" Dabarkads na si Joey de Leon ay nakisama rin sa pagdiriwang ng pamilya ni Yaya Dub.
 
Saktong-sakto raw ang pagpapanganak ni Niki dahil malamang ay magkikita na ang AlDub sa Sabado.
 
Ayon kay Joey, "Water Breaking News: Napaanak ang sister ni Maine nang malamang magkikita na si Alden at Yaya Dub sa Sabado! #ALDUB7thWEEKSARY"
 
"Hahahaha! Para mawitness ni baby ang tamang panahon!" sagot naman ni Niki.
 
 
 
 
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News