ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zsa Zsa Padilla engaged to architect Congrad Onglao


Enganged na ang batikang singer and actress na si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang kasintahan na si Congrad Onglao, isang architect.

Nitong Sabado, ipinakita ni Zsa Zsa ang kaniyang engagement ring sa pamamagitan ng isang Instagram post. Aniya, "It's official! Thank you so much for all your warm wishes! Much love from London. God bless us all. #engaged"

 

It's official! Thank you so much for all your warm wishes! Much love from London. God bless us all. #engaged

A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on


Ayon sa 51-year-old artist, nag-propose sa kaniya si Congrad noong August 30, humigit-kumulang isang taon matapos nilang isapubliko ang kanilang relasyon.

Isa si Conrad sa mga tinitingala ngayon sa larangan ng architecture at interior design sa Pilipinas, na nag-disenyo ng Bahay Pangarap, ang opisyal na tahanan ni Pangulong Benigno Aquino III, at mga bahay ng mga kilalang personalidad tulad nina Imee Marcos, ang mga negosyanteng sina Don Jaime Zobel de Ayala at Doris Magsaysay-Ho, at ng Mega Star na si Sharon Cuneta.
 
Habang nabiyuda si Zsa Zsa ng yumaong King of Comedy na si Dolphy noong 2012 at naiwan kasama ang kaniyang tatlong anak, diborsiyado naman si Conrad at may dalawang anak.  — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News