ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Plywood’ na humarang sa AlDub, naglabas ng opisyal na pahayag: ‘I was used and abused’


Ilang sandali matapos ang sinubaybayang unang pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Kalyeserye ng noontime show na “Eat Bulaga” noong Sabado, marami ang naglabas ng kanilang hinanakit sa plywood na naging hadlang sa paglalapit ng dalawa.
 
Matatandaang naganap na ang pinakahihintay na pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub ngunit agad naman itong naputol nang lagyan ni Lola Nidora ng harang na pader ang pagitan ng dalawa para hindi sila magkalapit. 
 
Pinag-usapan nang husto sa social media ang tagpong ito, at karamihan nga sa record-breaking na 5 million tweets ay tungkol sa playwood na humarang sa pagitan ng dalawa. Sinabi pa ng netizens na, “Ang plywood, isa raw sa salitang puwedeng ilarawan sa taong humahadlang sa isang bagay o pangyayari.” 
 
Kaugnay ng pambabatikos na nakuha, naglabas ng pahayag ang naturang 'Plywood' na panandaliang sumikat dahil sa tagpo noong Sabado.
 
“Sorry po sa nangyari kanina. Hindi ko po talaga kagustuhan na humadlang sa gitna ni Alden at Yaya Dub/Maine. Ako po ay props lamang na naghahangad sumikat pero wala po akong gustong masaktan. Hindi ko po nabasa ang scipt. Ginamit lang po ako ni Lola Nidora,” paliwanag ng 'Plywood.'
 
Dagdag pa nito, “Sabi po ay pipintahan nila ako ng maganda at aggawing background 'pag nagkita ang AlDub. Hindi ko sinadya na humadlang sa kanila. I was used and abused kasi baguhan ako sa industriya. Humihingi po ako ng paumanhin at patawad sa aking mga nasaktan.”
 
 
— RSJ, GMA News
Tags: aldub