ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former ‘Are You the Next Big Star’ contestant Alex Castro on groping incident: ‘Bonus na sa'yo 'yan!’


Naging usap-usapan nitong weekend ang kauna-unahang Cosmopolitan Carnival kung saan itinampok ang ilan sa mga pinakagwapo at makikisig na artista, model, at personalities sa Mall of Asia Arena.

Dinagsa ng mga tagahanga ang naturang event, lalo na't hind nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang naggagandahang katawan ang ilang Kapuso stars gaya nina Elmo Magalona, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, at Benjamin Alves.
 
Bukod sa pagrampa ng mga kalalakihan, pinag-usapan rin sa social media ang insidente kung saan hinawakan ng isang miyembro ng audience ang maselang bahagi ng katawan ng dating “Are You The Next Big Star?” finalist na si Alex Castro habang nagmo-model ito at nakikipagkamay sa mga tagahanga mula sa runway.

Inilabas ni Alex ang kaniyang saloobin hinggil sa naturang insidente sa isang Instagram post matapos ang show na kinabilangan niya.

Pabiro niyang sinabi, “Salamat sa #cosmopolitan at sa lahat na nanood. Dun sa nanghawak bonus na sayo yan! Wag ka na maghuhugas ng kamay. #cosmopolitancarnival2015”

“We can't control the crowd but that is foul para sa kahit kanino. Sa part ko, I have to be professional sa mga ganung pagkakataon. All we want is to make the audience enjoy the show. Ingat nalang sa susunod para hindi na maulit yung ganitong insidente. But overall, it was a great show,” pagpapatuloy pa ni Alex.

Ilan pa sa mga rumampa para sa 2015 Cosmopolitan Carnival sina Daniel Matsunaga, JC de Vera, PBA player Jens Knuttel, models LA Aguinaldo, Kirst Viray, Amadeo Leandro, at Clint Bondad



— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News