ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pauleen Luna and Vic Sotto start formal wedding preparations
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang ilang linggo mula nang kumpirmahin ni Bossing Vic Sotto ang engagement nila ng TV host and actress na si Pauleen Luna, nagsimula nang maghanda ang magkasintahan para sa kanilang kasal na magaganap umano ngayong taon.
Nitong Linggo, nakipagkita na si Pauleen sa kanilang wedding coordinators mula sa Rita Neri Event Planners, na siya ring naging wedding coordinator ng celebrity couple na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Ayon kay Pauleen sa isang Instagram post, “Met with our wedding coordinator for the first time. Thank you @rnepevents! Looking forward to our next meeting.”
Noong araw ding iyon, nagkita at nagkausap ang aktres at ang kaniyang kaibigan na si Franchesca Que, na magsisilbing maid of honor sa kanilang kasal.
A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
Catching up with my Maid Of Honor ???? @chescaque
A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
Sa hiwalay pang Instagram post, makikitang tila pati si Bossing ay abala na rin sa paghahanda para sa nalalapit nilang kasal.
Ibinahagi rin ni Pauleen ang color scheme na maaari nilang gamitin sa espesyal na araw na ito.
Sinabi rin ng Eat Bulaga host at “The Rich Man's Daughter” actress na nagsimula na silang mamili ng mga iimbitahin sa kasal, kabilang lamang ang kanilang mga pamilya at pinakamalalapit na kaibigan sa loob man o labas ng showbiz.
Ayon kay Pauleen sa panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho, “We're not a very showbiz couple. We don't have a lot of showbiz friends. We only have the Eat Bulaga friends, and only a few. So hindi naman po siguro masasabi na exclusive because there will still be people from show business. But ‘yung mga totoong kaibigan lang po talaga namin, ‘yung mga close po sa amin which isn't very many.”
My busy visitor ???? Planning, planning, planning...
A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: vicsotto, pauleenluna
More Videos
Most Popular