Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘God Gave Me You’ singer Bryan White does the pabebe wave, promises PHL visit soon


Matapos mapukaw ng AlDub fans sa buong mundo ang kaniyang atensiyon nitong Sabado kasabay ng record-breaking first date ng phenomenal loveteam sa Kalyeserye ng noontime show na 'Eat Bulaga,' muling ipinarating ng American country music artist na si Bryan White ang pananabik niya sa nalalapit na pagbisita sa bansa bilang pasasalamat sa pagsuporta ng mga Pilipino sa kaniyang awiting “God Gave Me You.”
 
Itinuturing na isa sa mga theme song ng AlDub ang naturang kanta dahil sa dalas nitong mai-dubsmash ng Pambansang Bae na si Alden Richards upang pakiligin ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. 
 
Sa isang Twitter post nitong Martes, muling binati ni White ang kaniyang mga tagasuporta sa Pilipinas habang nagpa-pabebe wave at gamit pa ang hashtag na #ALDUBNextChapter.
 
Aniya, “Coming to see you soon. Thank you for so much support. So grateful that God Gave Me YOU! ???? #GGMY #ALDUBNextChapter”
 
 
 
 
Matatandaang umani ng higit sa 12 milyong tweets ang #ALDUBMostAwaitedDate sa loob lamang ng 24 oras nitong Sabado, at ilang fans ang nagparating ng kanilang pasasalamat kay White dahil sa malaking papel na ginagampanan ng kaniyang awitin sa love story ng AlDub.
 
Kaugnay nito, nauna nang sinabi ng international singer ang kaniyang balak na pagbisita sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bilang pasasalamat sa pagsuporta sa kaniyang awitin matapos ang higit sa 10 taon mula nang ginawa niya ito. 
 
“I just want to say a great big thank you to all my Filipino fans and Asian fans out there. I'm so excited by all that is happening with 'God Gave Me You.' It's crazy, after how many years, it's become a really big success in your country and I can't thank you enough for the support and just you, guys, loving the song so much,” aniya.
 
“I can't believe how a song travels and where it's gonna end up and what's gonna happen with it. I've been thinking about it all day and I promise we'll see you soon. We're actually working right now on a tour in the Philippines. So, we will definitely see you soon... Thank you so much. I'm so glad God gave me you,” dagdag pa ni White. — RSJ, GMA News
LOADING CONTENT