ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former ‘Viva Hot Babe’ Jen Rosendahl reveals name of baby boy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mayo ng taong ito nang ianunsyo ng former Viva Hot Babe at “Pepito Manaloto” star na si Jen Rosendahl ang kaniyang pagbubuntis sa anak nila ng kaniyang non-showbiz husband na si Jules Changco.

Kamakailan lamang, matapos ibahagi na magiging baby boy ang kanilang anak, ibinahagi na rin ng sexy comedienne ang magiging pangalan nito.

Sa magkasunod na Instagram post, makikitang nagre-relax sa swimming pool si Jen at nakikinig rin sa Mozart for Babies music.

Aniya, “Love my belly! Can't wait to hold my Little Tyler... Mommy & Tyler listening & relaxing to mozart for babies music.”

 

Love my belly ???? can't wait to hold my little tyler ??

A photo posted by Just Sharing ???????????? (@jenrosendahl) on



 

Mommy & Tyler listening & relaxing to mozart for babies music ???????????? good night ????

A photo posted by Just Sharing ???????????? (@jenrosendahl) on



Inaabangan na rin ng marami ang pagbabahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng magiging pangalan ng kanilang baby girl ng Kapuso Primetime King at “Starstruck” host na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Dingdong, sasabihin raw ng kaniyang asawa ang buong pangalan ng tinaguriang Little Maria sa kaniyang baby shower na magaganap sa September 26.

Masaya naman ibinahagi ng mag-asawang Judy Anne Santos at Ryan Agoncillo na magkakaroon sila ng bunsong anak na babae na tatawagin nilang Juana Luisa o Luna, habang Lucia naman ang ipapangalan nina Bianca Gonzales at JC Intal sa kanilang first baby. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News