Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ciara's not preggy, sexy Vegas billboard shows


Kailan lang ay nagkaroon ng unveiling ang newest billboard ng bagong bukas na Melanja Sky hotel and restaurant sa Las Vegas, Nevada. Ito ay para sa musical stageplay na Fever, kung saan kasama ang tatlong Pinay artists na sina Ciara Sotto, Rizza Navales, at Karlyn Bayot (kaptid ni Lani Misalucha). Tinupad ni Ciara ang pangako niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na once na natapos na ang billboard nila at visible na rin na ina-advertise, ipapakita niya ang naturang picture sa amin. Anim silang babae na makikita sa billboard kung saan nasa gitna si Ciara, third from left. Makikita rin na kasama niya rito sina Rizza at Karlyn at tatllong blondies na bagama't hindi Pinoy, ayon sa kuwento ni Ciara, ay pawang mababait at kaibigan na nilang lahat. Ayon kay Ciara, wala pa silang billboard na nakatayo sa Las Vegas Strip dahil ang naturang billboard ay nasa 1-15 North right past Barstow, California. "People who drive going to Vegas will see it," sabi pa ng young singer-actress. Most likely raw, end of September na sisimulan ang show nila. Right now, araw-araw pa rin daw ang ginagawa nilang rehearsal dahil napaka-perfectionist ng mga nagtuturo sa kanila. Ang rehearsal daw nila ay from 9 a.m. to 6 p.m. Ang magiging show nila ay isang musical stageplay, titled Fever, kung saan they will do singing, dancing, and acting. Ang tema nito ay about women. Now that the billboard is up, mawawala na rin siguro ang pagdududa ng ilan kung ano ba talaga ang ginagawa ni Ciara sa Las Vegas. Posible ring napatunayan—base sa billboard kung saan nakasuot siya ng sexy outfit at litaw pa ang kanyang tiyan—na wala ngang katotohanan ang balitang buntis siya. - Philippine Entertainment Portal