Alden Richards and ‘See You Again’ singer Charlie Puth do Pabebe Wave
Bukod sa inabangang pagbisita nina Yaya Dub, Lola Nidora, at Tinidora sa Broadway nitong Sabado, nakisaya rin sa noontime show na "Eat Bulaga!" ang American singer, songwriter, at record producer na si Charlie Puth ngayong Sabado.
Nakilala si Charlie sa mga awitin gaya ng "See You Again" kasama ang sikat na rapper na si Wiz Khalifa. Sumikat ang naturang kanta sa hit Hollywood film na "Fast and Furious 7."
Nitong taon lamang din, nagwagi ang singer ng Choice Music: RnB/Hiphop song at TV or Movie song sa 2015 Teen Choice Awards.
Bago ipakilala sa mga Dabarkads si Yaya Dub sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang pagbisita ni Pambansang Bae Alden Richards sa mansyon noong nakaraang linggo, naghandog muna ng isang song number ang foreign singing sensation.
Matapos ito, hindi pinalampas ni Alden ang pagkakataong maituro kay Charlie ang signature Pabebe Wave ng phenomenal love team na AlDub.
Idinaos din nitong Sabado ang concert ni Charlie sa Eastwood Mall sa Quezon City.
@charlieputh's pabebe wave with @aldenrichards02 is the cutest thing! #ALDUBmeetsTVJ #CharliePuthInMNL pic.twitter.com/BMW6MdT6mi
— Warner Music PH (@WMPhils) October 3, 2015 Aren't @charlieputh and @aldenrichards02 both cute? #CharliePuthinMNL #CharliePuthatEastwood @eastwoodmall_ pic.twitter.com/TlgNcen4xq
— Warner Music PH (@WMPhils) October 3, 2015— LBG, GMA News