First AlDub Dubsmash minus the split-screen
Marami ang kinilig nang magsimulang mag-Dubsmash sina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Kalyeserye nitong mga nakaraang linggo.
Kabilang sa mga madalas nilang i-Dubsmash ang Vietnamese Dub, Pabebe Girls, at ang Give Me One Tongue.
Nitong Sabado, kasabay ng isa sa pinakamalaking pagtatanghal ng longest-running noontime show na Eat Bulaga, nag-Dubsmash ang phenomenal loveteam na AlDub nang live sa harap ng 55,000 katao sa Philippine Arena at libo-libo pang tao na nanonood sa kani-kanilang bahay at barangay.
Ngayong wala na sila sa split-screen, tila mas nakakakilig para sa mga manonood ang tinginan at ngitian ng dalawa, maging ang kanilang pabebe wave sa isa't isa.
Panoorin ang nakatutuwang Dubsmash ng AlDub onstage sa "Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon."
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News