Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

AlDub and Kalye’s Angels to star in Kapuso Christmas Station ID


Nauna nang kinumpirma na makakasama sa taunang Christmas Station ID ng Kapuso Network ang Kapuso Primetime King and Queen at parents-to-be na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ngunit hindi pa riyan nagtatapos ang listahan ng mga kaabang-abang na GMA stars na bibida sa naturang station ID.

Magiging bahagi ng masaya at makulay na Kapuso Christmas Station ID ang phenomenal loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, kasama sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo bilang Lola Nidora, Tidora, at Tinidora, o ang Kalye's Angels.

Walang duda na ilan lamang ang mga bida ng Kalyeserye ng noontime show na "Eat Bulaga" sa mga pinakasikat na karakter ngayon sa telebisyon.

Bukod sa pagbida sa Christmas Station ID ng GMA, bumida na rin ang AlDub at Kalye's Angels sa commercial para sa isang fast food chain.

Inaabangan rin ngayon ang pagbida nina Alden at Maine sa upcoming film ng “My Bebe Love,” na isa sa mga kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival na magaganap sa darating na Disyembre.

 
 
 
 
 
 

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News
LOADING CONTENT