Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista says she’s ready to become a mom


Kasabay ng matagumpay niyang karera sa showbiz bilang isa sa leadnig ladies ng hit GMA Primetime series na “Beautiful Strangers,” namamayagpag rin ngayon ang Kapuso actress na si Heart Evangelista bilang isang artist.

Matapos niyang ipakita sa publiko ang kaniyang paintings mula noong nakaraang taon, at ilang linggo lamang din matapos ilabas ang “Daughter of the Sun and the Moon” kung saan siya nagsilbing illustrator, inilabas naman nitong Linggo ang beauty book na “This is Me, Love Marie,” ang kauna-unahang beauty guide na gawa ng isang Filipino actress.

Sa kabila ng pagiging abala niya bilang aktres at artist, inamin ng aktres na handa na siyang maging ina, siyam na buwan matapos ang kasal nila ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Heart sa panayam ng GMA News Online, “I do feel it now. I never used to feel that. Now, when I look at a baby, her fingers, there's something in my heart. I start to feel it now. I feel like I'm there already and that excites me because I've never felt this way before.”

 

So much love???????????? thank you! #ThisIsMeLoveMarie

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

 

Bilang ina, magiging hands-on at maalaga raw si Heart, gaya na lamang ng ginagawa niyang pag-aalaga ngayon sa kaniyang mga aso.

Gayunpaman, hindi raw tuluyang iiwan ng Kapuso actress ang showbiz sa oras na magkaroon sila ng anak ni Chiz.

“As a mom of my dogs, I'm really meticulous. Every strand of the hair, maalaga ako. That's why my friends say na, 'Kung sa mga aso mo ganiyan ka na, paano pa sa mga anak mo?'” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “I don't think I will leave showbiz. But the first year, yes. I want to experience living a normal life. Walang taping or anything, and just devoting myself to my child. I feel like he deserves that. Kung nagsusulat nga ako ng libro para sa fans ko, ano pa sa anak ko? I think she deserves that time, too.”

Samantala, nagpapasalamat rin si Heart na suportado siya ng kaniyang asawa sa lahat ng kaniyang ginagawa, mapa-showbiz man o pagpipinta at paggawa ng libro.

“I'm just very lucky to have a husband that's very open and unselfish. He allows me to really just spread my wings even more. When I got married, I was able to express myself and do more as an individual. He's such a big inspiration for me, so I'm able to balance everything evenly without being stressed about it,” aniya. — RSJ, GMA News