ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Yaya Dub posts heartfelt birthday message for Lola Nidora


Ipinagdiwang nitong Sabado ang 90th birthday ni Lola Nidora sa Kalyeserye ng noontime show na "Eat Bulaga!"

Bukod sa kaniyang kapatid na si Lola Tidora, sa Eat Bulaga, Dabarkads, at kay Yaya Dub, nakisali rin sa kilig at saya sina Alden, Lola Babah at kapatid nitong si Don Eduardo na ginampanan ni Eddie Garcia.

Gayunpaman, hindi nagtapos ang selebrasyon sa kainan at iba't ibang nakakatuwang parlor games na tinutukan ng mga Dabarkads at ng AlDub Nation.

Nitong Sabado ng gabi, hindi pinalampas ni Yaya Dub ang pagkakataon na batiin si Lola Nidora sa pamamagitan ng isang nakakaantig na post sa social media.

Ayon sa dalaga sa isang Instagram post, "Happy birthday, Lola Nidora. Maraming maraming salamat po sa lahat ng pangaral na itinuro nyo sa'min ni Alden at sa lahat ng manunuod lalong-lalo na sa mga kabataan. Ipinakita niyo sa amin ang halaga ng mga bagay-bagay sa iba't ibang aspeto ng buhay."

"Kayo na po ang nagsilbing ina, ama, ate at kuya sa akin, at lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng aral at kwentong naipamahagi niyo sa amin. Nagkakaaway at nagtatalo man tayo paminsan-minsan ay hinding hindi pa rin mawawala ang respeto at pagmamahal ko sa inyo bilang aking lola," dagdag pa niya.

Pagtatapos ng paboritong apo umano ni Lola Nidora, "Hindi nyo po alam kung gaano karaming tao ang natutulungan nyo sa bawat pangaral na inihahayag niyo araw-araw. Maraming salamat po, Lola Nidora. Mahal ka po naming lahat!"


 

Happy birthday, Lola Nidora. Maraming maraming salamat po sa lahat ng pangaral na itinuro nyo sa'min ni Alden at sa lahat ng manunuod lalong lalo na sa mga kabataan. Ipinakita nyo sa amin ang halaga ng bagay bagay sa iba't ibang aspeto ng buhay. Kayo na po ang nagsilbing ina, ama, ate at kuya sa akin, at lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng aral at kwentong naipamahagi niyo sa amin. Nagkakaaway at nagtatalo man tayo paminsan-minsan ay hinding hindi pa din mawawala ang respeto at pagmamahal ko sainyo bilang aking lola. Hindi nyo po alam kung gaano karaming tao ang natutulungan nyo sa bawat pangaral na inihahayag niyo araw-araw. Maraming salamat po, Lola Nidora. Mahal ka po naming lahat! Ang iyong paboritong apo, Divina Ursula????

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News

Tags: aldub, kalyeserye