ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBSumptuousKiligAtSaya

Maine, pinasan si Alden; at Alden, natisod habang pasan si Maine


Hindi lang pagkain ang sagana sa inihandang "sumptuous lunch" ni lola Babah sa episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Sabado. Napuno rin kasi ito ng kilig at saya nang pasanin ni Yaya Dub si Alden, at aksidenteng matisod si Alden habang pasan si Yaya Dub.

Sa mansyon ni lola Babah, inimbitahan niya ang mga bisitang sina lola Nidora, Tidora at Yaya Dub sa kasal ng apong si Alden at Russian model na si Cindy.

Hindi ito nais mangyari nina Alden at Yaya Dub kaya naman tumakas ang dalawa.

Sa kanilang pagtakas, pinasan ni Alden si Yaya Dub, at hindi inaasahan na matisod ito sa bato kaya bahagyang napaluhod.

Nagkatuwaan din ang dalawa na magpalit at si Alden naman ang sandaling pinasan ni Yaya Dub.

Pagpapakita ito na sadyang komportable na sa isa't isa sina Alden at Maine.

May eksena rin sa mansyon na nagsayaw ng "sweet" sina Alden at Yaya Dub, at mayroon ding yakapan moment.

 

 

-- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye, aldub