ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pregnant Kapuso actress Chariz Solomon ready to celebrate Christmas in hospital
Nasasabik na ang Kapuso actress at “Bubble Gang” star na si Chariz Solomon sa nalalapit na pagdating ng kaniyang ikalawang anak ngayong Disyembre.
Ayon sa aktres sa panayam ng GMANetwork.com, handa na raw siya kung sakali mang kailanganin niyang magdiwang ng Pasko sa ospital kasama ang kaniyang asawa at panganay na anak.
Hindi raw malayong matapat sa mismong araw ng Pasko ang pagdating ng kaniyang bunso.
Inihanda na raw ni Chariz ang mga simpleng Christmas decorations upang maramdaman pa rin nilang mag-anak ang diwa ng Kapaskuhan kahit na nasa ospital sila.
“Malamang na sa ospital ako kasi more or less mga, on or before Christmas ako manganganak. Pero ang hinanda ko, bumili ako ng mga simpleng Christmas decor, tapos i-de-decorate ko 'yung hospital room namin. Kung sakali kasi mga ganyan ako, feeling ko mga 20 plus ako manganganak. So, more or less talaga sa hospital kami, dun kami mag-ce-celebrate,” aniya.
Dagdag pa ng komedyante, “Bumili ako ng mga Santa hats, kasi nung sa panganay ko, mayroon akong parang birthday banner, Happy Birthday Apollo, tapos may mga party hats din. So eto naman, since Christmas season baby siya, ang hinanda ko Santa hats."
Bukod kay Chariz, excited na rin daw ang panganay niyang si Apollo na masilayan ang kaniyang kapatid.
“Kasama ko siya lagi pag nagpapa-check up ako kasi gustong-gusto niya pag nakikita niya sa ultrasound 'yung baby. Kaya sobrang excited siya ngayon,” kuwento ng Kapuso artist. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
Tags: charizsolomon
More Videos
Most Popular