ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes, may hiling sa fans para kay Baby Zia


Hindi lingid sa kaalaman ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mainit ang naging pagtanggap ng maraming tao sa kanilang panganay na anak na si Maria Letizia.

Mula nang ipinanganak ito nitong nakaraang Nobyembre, marami agad ang humanga sa angking kagandahan nito at naging trending topic na rin si Baby Zia sa social media.

Overwhelmed at nagpapasalamat naman ang mag-asawa sa lahat ng positibong reaksiyon na natatanggap nila, lalong-lalo na sa mga dasal at suporta.

Gayunpaman, may isang pakiusap lamang daw ang first-time daddy sa lahat ng mga nakasubaybay sa paglaki ni Maria Letizia

Aniya sa panayam ng “24 Oras” nitong Martes, "As parents, gusto namin na maibigay sa kanya 'yung kanyang right to actually put up her own social media sites later on if and when she decides to do so.”

Bilang pasasalamat sa kanilang fans na patuloy pagsuporta sa kanila, dumalo si Dingdong at Marian sa Christmas party na inorganisa ng kanilang mga tagahanga nitong nakaraang linggo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita si Marian sa kaniyang fans mula nang manganak siya noong nakaraang buwan.

“Nami-miss na rin niya kasi sila, and alam kong sobrang matutuwa sila, ‘yung mga kaibigan namin, kung um-attend siya. She also wants to see them and to assure them that everything’s alright,” paliwanag ni Dingdong.

Nang tanungin naman kung kailan balak bumalik ng Kapuso actress sa showbiz, sagot ng Kapuso Primetime King, “Hindi ko po sigurado, pero siguro magandang bigyan rin muna siya ng talagang oras at panahon to concentrate on her new task, which is to be a mother. And I believe she’s doing it very, very well.” —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News