ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ara Mina, Patrick Meneses mark daughter Amanda’s 1st birthday


Naging magarbo ang selebrasyon ng unang kaarawan ni Amanda Gabrielle, ang anak ng aktres na si Ara Mina at Bulacan City Mayor Patrick Meneses.

Matapos ang halos anim na buwang paghahanda, naganap ang nasabing birthday party nitong Huwebes, December 17, sa Greenmeadows Subdivision sa Quezon City kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Ara at Patrick.

Pagbati ni Ara sa kaniyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post, “God gave me you for me to realize that it is worthwhile to live, despite all the challenges, pains and heartaches. Seeing you every morning makes me thank God for the miracle of life. I never knew the meaning of joy until you came. You made my life complete and perfect.”

Kinumpirma man ng dalawa ang problema sa kanilang relasyon nitong Abril, ilang buwan lamang matapos isilang si Baby Mandy, tila maganda na muli ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayong magtatapos na ang taon.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Ara na mabuting magkaibigan na muli sila ni Patrick at ginagawa nila ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang anak.

Paliwanag niya, “Actually, we’re really good friends. I don’t know kung anong meron kami. Pero ano, okay kami. Okay naman kami. Ganun pa rin ang set-up. Ano lang, kanya-kanya muna kaming buhay.”

“Basta kay Amanda, ano, e, wala kaming alinlangan. We always talk on the phone, tapos we always see each other,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 

 

— Bianca Rose Dabu and Jessica Bartolome/LBG, GMA News

 

Tags: aramina