ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chynna Ortaleza says 'The Rich Man's Daughter' is a major gift she received this year


Bago magtapos ang taon, binalikan ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ang lahat ng biyayang nakamit niya ngayong taon, kabilang na ang mga pinagbidahan niyang role sa telebisyon.

Isa sa mga pinakamalaking role na ginampanan ng aktres ay si Batchi Luna, isang lesbian character mula sa GMA Primetime series na “The Rich Man's Daughter” kung saan bumida rin sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

Ayon kay Chynna, isa ito sa mga pinakamagandang regalong natanggap niya ngayong taon.

“Starting to look back at 2015 & feeling humbled by all the incredible blessings He has bestowed upon me. The first major gift was the chance to fulfill a lifelong dream role & breathe life into one of my most dynamic & human characters ever. BATCHI,” aniya sa isang Instagram post.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Thank you to the whole @officialtrmd family for giving me this chance. To @gmanetwork & @artistcenter for the trust & continuous love! Lastly to all our TRMD friends who allowed us into their lives & lived the dream with us. Salamat sa pakikiisa at sa pagpapalaya. Higit sa lahat, salamat din sa pagtanggap at sa walang sawang suporta.”

Kinilala ang “The Rich Man's Daughter” hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang bansa dahil sa mapagpalayang pagtalakay nito sa pag-iibigan sa pagitan ng dalawang babae.

Bukod sa iba't ibang TV projects, abala rin ngayon si Chynna sa pagiging writer, artist, at musician.

 

 

—Bianca Rose Dabu, GMA News