ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Wooo! Regine Velasquez crashes Boracay wedding party, livens it up with song


Nagba-bakasyon sa Boracay ang pamilya nina Asia's Songbird Regine Velasquez at singer-songwriter Ogie Alcasid nang sorpresahin nila ng “impromptu concert” ang isang newly-wed couple na nagdaraos ng reception doon.

Kuwento ni Ogie sa kaniyang Instagram post nitong Martes ng gabi, “After walking on the beach we chanced upon a wedding reception and wifey decides to crash and sing. What a treat!”

Makikita sa video na masayang kumakanta ng “I Will Survive” ang Kapuso host and singer para sa bagong kasal at sa kanilang mga bisita.

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ni Regine, “So we crashed a wedding party earlier tonight.”

Kasamang nagba-bakasyon ng mag-asawang Ogie at Regine ang kanilang anak na si Nate, pati na ang pamilya ng Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren, ang dating asawa ni Ogie.

 

—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News