ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards flies overseas for his first show in Dubai


Lumipad na patungong Dubai ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Alden Richards nitong Martes ng hapon para sa kaniyang pagtatanghal doon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng show si Alden sa Dubai kaya naman inaanyayahan niya ang lahat ng kaniyang mga tagahanga at ang mga tagasubaybay ng Kalyeserye upang makisaya sa kaniya sa Huwebes, January 7, sa  Dubai Duty Free Tennis stadium.

Bukod sa “Sunday Pinasaya” star, tampok rin sa naturang show ang Wonder Gray at iba pang Dubai-based talents.

Nitong Martes, nagpaalam na si Alden sa Kalyeserye at sinabing sa Lunes na muli siya makakabalik upang magpakilig at magpasaya kasama sina Yaya Dub, Lola Nidora, Tidora, Tinidora, at ang mga “Eat Bulaga!” Dabarkads.

 

 

Hindi man kasama ni Alden ang kaniyang ka-loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, matatagpuan naman sa Dubai ang certified AlDub fan na si Alyssa Nicolle de Gala na lookalike rin ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart. 

Isang araw matapos ang kaniyang show sa Dubai, tutungo naman ang Pambansang Bae sa Doha, Qatar upang doon magpasaya muli ng mga Pilipino.

Sa naturang show, magkakaroon ng pagkakataon ang ilan sa kaniyang mga tagahanga na makapag-perform sa stage kasama ang Kapuso heartthrob sa pamamagitan ng pagsali sa “A Search for Rogelio” contest, kung saan apat na lalaking ala-Rogelio ang mapipili upang makasama ni Alden sa entablado ng Qatar National Convention Center para sa isang production number. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News