ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
MAY FOREVER BA SA INYO NI TOM RODRIGUEZ?

Carla Abellana answers questions on #AskAway


Nagkaroon ng pagkakataon ang fans ng "Because of You" star na si Carla Abellana na tanungin siya tungkol sa naturang GMA Telebabad show at maging sa personal niyang buhay sa #AskAway: The GMA News Facebook Q&A.
 
Ginagampanan ni Carla ang papel na Andrea sa "Because of You" at kaugnay nito, tinanong siya kung ano ang pinaka-challenging na parte sa kaniyang karakter.
 
 “Actually, kung tutuusin, mahirap magpatawa talaga,” saad ng dalaga.  “Effort ‘yan at mas malaki, mas maraming energy ang kailangan mo, eh.”
 
Narito pa ang ilang sagot ng aktres. 
 
Ano ang pakiramdam na makatrabaho si Gabby Concepcion? (from Enelyn Nuque)
 
Carla: Kahit past midnight na, laging nakangiti. Hindi mo makikitaan ng pagod o antok.
 
Posible kayang mauwi sa totohanan ang tambalang Gabby-Carla? (from Sherna Garcia)
 
Carla: ’Yung mga ganitong bagay, hindi namin (Gabby) naiisip ‘yan. Ang tingin ko talaga is, nasa "Because of You" kami bilang magkatrabaho. Ihihiwalay mo ‘yung personal life mo sa professional life mo.
 
Kailan kaya tutunog ang wedding bells para sa Kapuso actress?  (from @therealaizel)
 
Carla: Hindi ko rin alam. Hindi ko alam talaga. Pero sana in, siguro, two years, ganyan.
 
Kumusta naman kaya ang tila totohanan nang tambalan nila ni ‘Marimar’ leading man Tom Rodiguez? May forever na ba sa pagitan nilang dalawa? (from Micahela Kyla Catimbang)
 
Carla: Gusto mo bang may forever? Kung gusto mo, eh ‘di, sana meron.
 
 
#AskAway with Carla Abellana

"May forever na ba sa inyo ni Kuya Tom Rodriguez?"Luane Dy asks this and more on #AskAway LIVE: The GMA News Facebook Q&A with Carla Abellana. Be sure to watch the GMA Telebabad show "Because of You" in its earlier timeslot starting Monday, 8:30 PM after Little Nanay. http://gmane.ws/1O4iQi9

Posted by GMA News on Tuesday, January 5, 2016
 
Maliban sa pag-arte at pag-ho-host, abala rin si Carla sa kaniyang pet advocacy. Ginagawa umano ito ng aktres dahil hindi nabibigyan ng boses ang mga alagang hayop at para rin maipahatid sa lahat na may mga karapatan din ang mga ito.
 
Bago matapos ang Q&A ay nagpasalamat si Carla sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa "Because of You." Inimbitahan niya rin ang lahat na panoorin ang naturang serye sa mas pinaaga nitong oras, 8:30 p.m., simula sa Lunes, pagkatapos ng "Little Nanay" sa GMA Telebabad. — Beverly Conte/AT, GMA News