ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FANGIRL MOMENT
Nora Aunor used to wait for hours to give roses to 'rival' Vilma Santos
Kahit na madalas silang binabansagang magkaribal sa showbiz, aminado si Superstar Nora Aunor na masugid siyang tagahanga ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos.
Ayon kay Ate Guy sa “Tonight With Arnold Clavio” nitong Miyerkules, bata pa lamang siya ay sinusubaybayan niya na ang lahat ng mga pelikula ni Vilma, at ilang beses niya pa raw itong pinapanood sa sinehan.
“Noong bata pa siya, madalas akong manood ng pelikula niya. Limang beses ko pinapanood, kahit wala akong pera. Pinangungutang ko talaga 'yun,” aniya.
Sa sobrang paghanga, ginawa niya ang lahat upang makapagpapirma sa Star for All Seasons nang makarating siya sa Maynila mula sa bayan ng Iriga sa Bicol.
Hanggang sa maging kilala na siya bilang magaling na aktres at Superstar ng Philippine entertainment industry, hindi raw humupa ang kaniyang paghanga kay Vilma.
Kuwento ni Nora, hinintay pa niya nang ilang oras si Vilma sa isang hotel upang bigyan ito ng mga bulaklak.
Aniya, “'Yung rivalry naman, gawa lang ng fans. Pero nakatulong rin ng malaki sa amin 'yun dahil pinag-usapan kami.”
Bukod sa pagbida niya sa independent films, abala rin ngayon ang Superstar sa kaniyang pagganap sa GMA Primetime series na “Little Nanay” kasama sina Kris Bernal, Chlaui Malayao, Eddie Garcia, Bembol Roco, Mark Herras, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
Tags: noraaunor, vilmasantos
More Videos
Most Popular