ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jake Ejercito overwhelmed by support after Kalyeserye guesting


Nag-trend nitong Sabado ang #ALDUBToSeeYouAgain sa social media matapos ipakilala sa Kalyeserye ang kaklase ni Yaya Dub na si Jake, na siyang naging dahilan ng madalas na tampuhan nila ni Pambansang Bae Alden Richards nitong nakaraang linggo. 
 
Matapos ipakilala ang unang Jake, na isa pa lang bading, dumating naman ang ikalawang Jake, isang matipuno at business-minded na estudyanteng ginagampanan ni Jake Ejercito.
 
Mula sa pagpapakaba sa AlDub Nation, marami naman ang napakilig ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada nitong Sabado dahil sa kaniyang pagiging gentleman, at dahil na rin sa pagpapatunay nitong hindi siya magiging hadlang sa pag-iibigan ng phenomenal AlDub loveteam.
 
Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Jake sa nag-uumapaw na suportang nakuha niya mula sa mga “Eat Bulaga!” Dabarkads at sa AlDub Nation.
 
Aniya, “Just wow. Overwhelmed beyond words. Massive thanks to everyone behind Eat Bulaga! Maraming salamat, Dabarkads and AlDub Nation!”
 

 

Nakatakdang pumunta sa Singapore ang karakter na ginagampanan ni Jake upang doon na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
 
Kaya naman sa isa pang hiwalay na Instagram post, tila nagpaalam na ang binata kay Yaya Dub.
 
“Till next time, klasmeyt!” ayon kay Jake.

 

 

Till next time, klasmeyt! ????????

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

 

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News