ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

New album, new sound for Charice Pempengco


Kasunod ng pagpapalit niya ng management, nagsimula na rin sa paggawa ng bagong album ang international singing sensation na si Charice Pempengco.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas, nais daw ni Charice na ma-reinvent ang kaniyang career kaya naman puspusan ang kaniyang pagtatrabaho ngayong nagbabalik na siya sa industriya.

Tampok sa bagong album na ginagawa ng singer ang kaniyang original compositions na mayroong iba't ibang genre.

“I am very excited to let my supporters know of new and amazing changes beginning this 2016! New projects including a full album are already in the works. Thank you very much for your continued support and looking forward for a better year for all of us!” aniya sa naunang pahayag.

 

Kasalukuyang nasa ilalim ng E Central Inc. and CleverBox Events management si Charice.

Bukod sa bagong album, nakatakda ring magdaos ng concert ang kilalang singer sa darating na Araw Ng Mga Puso para sa isang fund raising for charity na magaganap sa Dagupan City, Pangasinan. -Bianca Rose Dabu/NB, GMA News