ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza shares never-before-seen video clips from Valentine's Day road trip with Alden Richards


Gumawa ng video compilation ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza mula sa naganap na Valentine's Day road trip nila ng Pambansang Bae na si Alden Richards noong nakaraang Sabado, February 13.

Matatandaang nagkaroon ng road trip papuntang Tagaytay ang dalawa, at doon nga naganap ang kanilang unang Valentine's date.

Sa saliw ng awiting "Someday We'll Know" nina Mandy Moore at Jonathan Foreman, ipinasilip ng phenomenal Kalyeserye star ang ilan sa mga nakakatuwa at nakakakilig na tagpo mula sa road trip nila ng kaniyang ka-loveteam sa Kalyeserye.

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News