Maine Mendoza, bida sa cover ng Avon Philippines brochure
Kamakailan lamang nang ipakilala ang phenomenal Kalyeserye star na si Maine Mendoza bilang pinakabagong ambassador ng beauty and wellness company na Avon Philippines.
Ngayong darating na Marso, tampok na ang Dubsmash Queen at "Eat Bulaga!" host sa cover ng brochure para sa Avon.
A photo posted by Avon Philippines (@avonph) on
Sa naunang pahayag, sinabi ni Maine na kabilang sa kaniyang beauty regimen ang pangangalaga sa kaniyang kutis habang bata pa siya.
"Being on your 20s doesn't mean na hindi pa natin pangalagaan 'yung ating skin. Skin aging starts at around early 20s. I think we should start being aware of the stress factors that cause skin aging, like UV rays, pollution," aniya
Dagdag pa ng Kalyeserye star, "Simple lang naman. Sa skin, lotion and other basic skincare products. Sa face naman, toner and cleanser."
Kasama ni Maine bilang celebrity ambassadors ng Avon Philippines ang ilan pang naglalakihang artista sa industriya tulad nina Solenn Heussaff, Jennylyn Mercado, Ina Raymundo, Georgina Wilson, Ruffa Gutierrez at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News