ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Alodia Gosiengfiao shares her cosplay collection on ‘Tunay na Buhay’


Nakilala si Alodia Gosiengfiao bilang Cosplay Queen of the Philippines dahil sa higit sa isang dekada niyang pagiging aktibo sa mundo ng costume play, sa loob man o labas ng bansa.

Taong 2003 nang magsimula ang dalaga sa pagco-cosplay, at kabilang sa nag-udyok sa kaniya rito ang hilig niya sa arts.

“Nabuo lang siya as time passes. Naisip ko na mahilig talaga ako sa art and I just really pursued my passion,” aniya sa panayam ng “Tunay na Buhay” nitong Miyerkules.

Aminado ang dalaga na mahirap ang pagpasok sa mundo ng cosplay, ngunit nahihigitan raw ng kaniyang pagmamahal dito ang anomang pagsubok na kinahaharap niya.

Aniya, “May times na mahirap. Tinatanong ng mga tao kung anong ginagawa ko, at sinasabing medyo weird. But I didn't let that get to me. Sobrang mahal ko 'yung ginagawa ko kaya kahit anong sabihin nila, hindi ko igi-give up 'yun.”

Matapos ang higit sa sampung taon, lumaban na sa iba't ibang cosplay competitions sa loob at labas ng bansa si Alodia kasama ang kaniyang kapatid na si Ashley.

Nitong Miyerkules, ipinasilip niya ang kaniyang collection ng costume at props, na siya mismo ang gumagawa, pati na ang mga make up tips para sa mga tulad niyang mahilig sa costume play. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News