ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
DAWN ZULUETA SAYS

Marian Rivera perfect for Ynang Reyna role in Encantadia remake


Bukod sa mga tagahanga ng Kapuso Primetime Queen, maging ang batikang aktres na si Dawn Zulueta ay aminadong masaya siya sa pagkakapili kay Marian Rivera upang bigyang-buhay ang karakter ni Ynang Reyna sa remake ng fantasy series na “Encantadia.”

Nakilala si Dawn bilang ang orihinal na gumanap sa naturang role, at naniniwala raw siyang magiging mahusay rin ang pagganap ng Kapuso actress.

Aniya sa isang tweet, “Marian is the best choice. She's so perfect for the role.”

 

Makikilala na ngayong Lunes ang iba pang mga aktres na magiging bahagi ng “Encantadia,” kabilang na ang mga gaganap bilang ang magkakapatid na Sanggre at mga bidang sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.

Inaasahang mapapanood na ang remake ng nasabing hit Kapuso fantasy series ngayong taon. — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News