Heart Evangelista overjoyed with ‘Lip Sync Battle Philippines’ win
Labis na ikinatuwa ng Kapuso actress at “Juan Happy Love Story” star na si Heart Evangelista ang pagkakataong makasali sa “Lip Sync Battle Philippines” nitong Sabado at makaharap ang kapwa-aktres at matalik na kaibigan na si Rhian Ramos.
Bukod sa pagkakataong makapagpasaya ng fans at maipakita ang kaniyang kakaibang side, hindi raw niya akalain na magwawagi siya laban sa kaniyang kaibigan.
Matatandaang nagpakitang-gilas si Heart nang buong-puso niya ibinirit ang Aegis hit na “Halik,” na sinamahan niya pa ng kaniyang “vibrate mode.”
Glamorous at fabulous rin ang dating ng Kapuso actress sa pagsabay niya sa awiting "Vogue" ng Queen of Pop na si Madonna.
“I still can't believe I did this! A break from a very serious 'season' #lipsyncbattleph Maraming salamat at sana nag-enjoy kayo! #aegis” ayon kay Heart sa isang Instagram post.
A video posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
Dagdag pa ng aktres sa isang hiwalay na post, “Grabe, hindi ko talaga akalain!! Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan, Heartworld, sa mga nanonood, sa staff, sa lahat ng dancers!!!! Maraming maraming salamat!! This was unexpected and truly a happy moment for me.”
Mensahe niya naman kay Rhian at sa lahat ng mga manonood, “@whianwamos you were amazing and thank you for always making me smile! Love you missy! I hope you guys enjoyed my 'vibrate mode' hehe! Pretty fun stepping out of my comfort zone. Ahhhhhhhh I won!!!”
A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
Abala ngayon si Heart sa paghahanda para sa upcoming GMA Primetime series na “Juan Happy Love Story,” na mapapanood na sa darating na May 16.
Makakasama niya rito sina Dennis Trillo, Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Leeian Bautista, Erika Padilla, Kim Domingo, at marami pang iba. — RSJ, GMA News