ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Are you in love? Maine Mendoza says ‘love without expectations’


Muling nagbigay ng payong pag-ibig ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza sa kaniyang panibagong Facebook Live video nitong Miyerkules, na tampok sa “Eat Bulaga!” Facebook page.

Ayon sa tagahangang nagpadala ng liham, nais niyang humingi ng payo dahil matagal na niyang gusto ang kaniyang kaibigan, ngunit hindi niya ito masabi dahil takot siyang maapektuhan ang kanilang pagkakaibigan.

Paunang payo ni Maine, huwag raw matakot na ipagtapat ang nararamdaman, ngunit huwag rin umasang maibabalik sa'yo ang pag-ibig na nararamdaman mo.

“Walang masama kung ikaw ang magtatapat na may gusto ka sa kaniya. Ang akin lang, kailangan maging handa ka kapag nagtapat ka, kasi hindi natin masasabi kung anong magiging reaksiyon niya o kung anong isasagot niya sa'yo,” aniya.

Diin pa ng dalaga, “Love without expectations—love and give without expeceting any reciprocation.”

Anoman raw ang maging resulta ng pagtatapat, siguruhing maging handa at maging positibo pa rin ang pananaw sa buhay.

Paliwanag ni Maine, “Ang pagmamahal is giving, at kapag nagbibigay ka, dapat hindi ka nage-expect ng something in return. Puwede mo siyang gawin inspirasyon to become a better person, o mahalin kasi napapasaya ka.”

“Express mo lang 'yung feelings mo sa kaniya. Huwag ka nang mahiya, wala namang masama. Ipaalam mo lang sa kaniya na mahal mo siya, kasi iba rin ang feeling para sa kaniya na malaman niyang may nagmamahal sa kaniya, at malaking ginhawa rin sa'yo kapag nailabas mo ang nararamdaman mo,” dagdag pa niya.

Bilang pagtatapos, ipinaalala ni Maine ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Aniya, “Admit it, pero huwag kang mag-expect. Kung hindi ka niya magustuhan, hayaan mo na. Hindi siguro siya ang para sa'yo. Maghantay ka na lang, at think positive lang lagi. Be happy and love everybody, but love yourself first.”

Nitong Martes, nagkaroon si Maine ng pagkakataong sagutin ang tanong na “Paano mag-move on kung hindi naman naging kayo?”  — RSJ, GMA News

Tags: mainemendoza