ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

‘Bae-by’ Baste featured in adorable new billboard


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang na ang cute na si Bae-by Baste ng “Eat Bulaga!” sa celebrity ambassadors ng isang sikat na local clothing at lifestyle brand.

Makikita sa isang billboard sa kahabaan ng EDSA si Baste para sa Baby Bench Colonia.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, nagpasalamat ang child star sa kinabibilangan niyang noontime show, pati na sa mga bumubuo ng Bench.

Aniya, “Thank You Lord! Thank you Bench and thank you EB.”

 

 

Tulad ni Baste, kabilang rin ang phenomenal Kalyeserye stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa endorsers ng nasabing brand.

Nitong nakaraang Marso, sold out ang celebrity scents collection ni Maine sa isang branch sa Quezon City sa loob lamang ng 15 minuto. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

Tags: baste