ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iya Villania, Drew Arellano to host ‘Home Foodie: Season 2’


Muling magsasama sa isang project ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa ikalawang season ng “Home Foodie,” na mapapanood simula June 13 pagkatapos ng “Unang Hirit.”

Kasama ng Kapuso couple at parents-to-be ang mga kilalang chef na sina Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia sa pagtuturo ng iba't ibang “kayang-kayang sarap” recipe na maaaring gawin sa bahay at ihain sa ating pamilya at mga mahal sa buhay.

Dagdag pa rito, “(They will also) tackle domestic struggles that are commonly experienced when it comes to learning and preparing great food for our loved ones.”

 

 

Narito ang ilan lamang sa mga patikim na lutong ipinasilip nina Iya, Drew, at ng mga chef sa naganap na press launch nitong nakaraang linggo sa San Miguel Purefoods Culinary Center.

 

 

Bukod sa “Home Foodie,” mapapanood rin si Iya sa “24 Oras” gabi-gabi sa GMA Network, at si Drew naman sa “Biyahe ni Drew" tuwing Biyernes sa GMA News TV. — RSJ, GMA News