Vina Morales wins music award but loses in love
Bago pa isalang si Vina Morales sa The Buzz noong Linggo, August 19, ay nakapanayam na siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room nito. Bitbit ni Vina ang trophy na nakuha niya sa patimpalak na IKON Asean na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong August 12. IKON Asean ay isang regional music award na nagpapakita at kumikilala ng musical artists mula sa mga bansang Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Sa katatapos na tagumpay ni Vina namin inumpisahan ang panayam. Ano ba ang pakiramdam niya as the very first Ikon winner? "I am proud to be the first Ikon winner sa category soloist. I'm very proud to bring the trophy to our country. Hindi ko ma-explain âyung nararamdaman ko. It was a mixed emotion. "Before the competition, I was very nervous. Kasi siyempre, big risk âyon sa isang katulad ko who has been in the business for a long time. You're talking about professionals here. Lahat kami may sariling album. Marami na kaming napatunayan in this industry. It's a big risk kung hindi ka ma-appreciate ng judge. Good thing I won the hearts of the judges, at the same time the Malaysian people and the Indonesian people," lahad ni Vina. Pressure na raw para kay Vina ang lumahok muna sa IKON Philippines bago ipadala bilang representative ng bansa. Sa huli, tatlong mga bansa ang naglaban-laban at doon na nakuha ng actress-singer ang kategorya para sa solo performer. Sa band category ay Pinoy rin ang nag-uwi, and bandang Kjwan. Bida ni Vina, iba raw kasi ang mga Pinoy. "I have to run for my stamina," sabi ni Vina. "Ang advantage kasi natin, na nangyari sa akin, kasi we're talking about showcasing our talents. We have two numbers to perform. âYung una, âyung mellow song ko na âPangako Sa âYo.' Second song ko âyung fast song, âFeel So Nice,' na kasama rin sa album ko. Naisip ko naman, I cannot just stand there and sing na ganun na naman âyung tema, so song and dance âyung naisip ko. Kaya nga binigyan ka ng dalawang numbers para may choices ka kung ano ang gusto mong ipakita." DEFEAT IN LOVE. After her victory, kuwento ng kabiguan naman ang iniwan ni Vina sa Pilipinas dahil kinailangan nitong makipag-break sa Chinese boyfriend na si Cedric Lee. Malaki kaya ang naging epekto ng pagdalo ng dating nobyo at ng asawa nito sa party nina Jessica Rodriguez at David Bunevacz na mga kaibigan daw nila? Claim kasi ng wife, very much together pa sila ng husband nitong si Cedric. "Lie-low muna kami kasi napag-usapan namin na kailangan muna ma-file âyung annulment and it's in the process now. He hired a lawyer na. Siguro for now, ayoko munang masyadong magsalita kasi mas okay naman âyung ganito. Of course, we love each other dearly. For now, kaka-file muna âyung annulment and after that, that will answer all your questions," pahayag ni Vina. May choice naman si Vina to choose a single man na walang sabit at walang problema, hindi ba masyadong kumplikado ang situwasyon para sa kanya? "Lahat naman tayo may problema," sagot niya. "Iba't ibang sitwasyon, iba't-ibang degree. Masaya nga kayong couple but there will always be a problemâmoney, health. Hindi mo masabi âyon, e. I think it should be fixed first. Ayusin muna ang lahat para smooth lahat." Sino ang nag-decide na makipaghiwalay muna? "Both of us," aniya. "Actually, before pa naman âyan. As much as possible, I want to keep my silence. Kung sarili ko lang ang iniisip ko, puwede akong magsalita nang magsalita. Puwede kong ipagtanggol ang sarili ko, pero iniisip ko rin âyung privacy ng ibang tao. Nirerespeto ko 'yan. "So, kung hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, matira man ako ng ibang tao ngayon, I know and I'm sure na matira man ako ng ibang tao, other people will do that for me. It happened before nung naglabas ng letter si Cedric. So ngayon, I'll keep silent. Basta ako, I will always have good intentions to other people." Hindi naman daw akalain ni Vina na magkakaroon pa ng problema ang relasyon ng dating nobyo sa dating asawa nito. "I was told kasi na âyung girl dapat ang unang magpa-file. Umoo na, pero ngayon ang mangyayari, si Cedric na ang magpa-file ng annulment," paliwanag niya. Idiniin din ni Vina na hindi siya ang dahilan kung bakit nagpa-annul si Cedric. Aniya, hiwalay at may problema na ang nobyo nito sa asawa bago pa man siya dumating sa buhay nito. Meaning, out of the picture na siya sa naging desisyon ng mag-asawa. Wala rin naman daw dapat alalahanin ang mga concerned kay Vina kung ano ang kalagayan niya ngayon. "I'm okay naman. Mahirap pero kailangan magpakatatag. Kung kontrabida man ako sa tingin ng iba, sooner or later, the truth will come out naman. Kapag naayos na lahat, as I said, their questions will all be answered," pagtatapos niya. - Philippine Entertainment Portal