ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is it a boy or girl for James Yap and girlfriend Michela Cazzola?


Pebrero ngayong taon nang kumpirmahin ng magkasintahang James Yap at Michela Cazzola na magkakaroon na sila ng anak.  

Anim na linggo na lamang ang hinihintay nila bago isilang ang kanilang anak, at sa baby shower na naganap nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng magkasintahan ang kasarian at magiging pangalan ng kanilang panganay.

Ayon kay James at Michela, makikilala na ng buong mundo ang kanilang unico hijo sa darating na Hulyo, at papangalanan umano nila itong Michael James.

Kabilang sa mga dumalo sa baby shower ang mga kaibigan at kapamilya ng sikat na basketball player at ng kaniyang Italian girlfriend.

 

A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on

 

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas, balak raw magpakasal ng magkasintahan pagkatapos maipanganak si Baby Michael James.

"The couple might get married after Michela gives birth but, according to them, it is not their priority at the moment," aniya. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News