Regine and Ogie's son Nate Alcasid meets his crush
Kinagigiliwan ngayong ng netizens ang video ng four-year-old na si Nate Alcasid, ang panganay na anak at unico hijo ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Sa naturang video na ibinahagi ng Kapuso singer-actress at Asia's Songbird nitong nakaraang linggo, nakaharap ni Nate ang Kapuso Primetime Queen at “Yan Ang Morning!” host na si Marian Rivera.
Nang tanungin ni Marian si Nate kung sino ang crush nito, agad na itinuro ng bata ang aktres.
Tila nahiya naman at napangiti na lamang si Nate nang sabihin ng kaniyang Tita Marian na “Kiss mo nga ako.”
“Eh yung naging binata bigla yung anak ko #crushniBoosititaYan #YanAngMorning,” ayon kay Regine sa caption ng nasabing video post.
Eh yung naging binata bigla yung anak ko ???????????? #crushniBoosititaYan #YanAngMorning soon
A video posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on
Mula nang i-post ng Asia's Songbird ang video tampok ang kaniyang anak at ang Kapuso Primetime Queen nitong Biyernes, umani na ito ng higit sa 143,000 views mula sa Instagram users.
Kabilang ang mag-inang Regine at Nate sa mga magiging bisita ni Marian sa kaniyang Kapuso morning talk show na “Yan Ang Morning!” ngayong linggo. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News