Isabelle Daza posts throwback pic after dad Bong passes away
Sumakabilang-buhay na ngayong Huwebes si Gabriel “Bong” Daza, ang ama ng aktres at dating “Eat Bulaga!” host na si Isabelle Daza.
Ibinahagi ni Belle ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang throwback photo na nai-post niya sa Instagram.
“That time you made all the waitresses in Saisaki sing 'Happy birthday' for me cause I hurt my head! Love you Pop. Hug Lola Nora for me up in Heaven,” aniya.
Hindi pa ibinabahagi ng pamilya Daza ang mga detalye tungkol sa pagkamatay ni Bong, ngunit ayon sa mga ulat, isinugod raw ito sa Makati Medical Center noong nakaraang linggo at namalagi na sa intesive care unit (ICU) simula noon.
Sa isang hiwalay na Instagram post, ipinasilip naman ng nakababatang kapatid ni Belle na si Ava ang isang nakakatuwang video habang nagli-lip sync siya ng mga awitin kasama ang kanilang ama.
Ayon kay Ava, “Made this video with my pops a decade ago. Always a good time 'singing' to these fave songs of ours.”
Ikinalulungkot ng buong pamilya ni Belle ang pagpanaw ng kaniyang ama, lalo na ngayong nalalapit na ang pagpapakasal ng host-actress sa kaniyang kasintahan na si Adrien Semblat. —NB, GMA News