Chynna Ortaleza says daughter Stellar ‘likes big books already!’
Kamakailan lamang nang ibahagi ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ang mga larawan mula sa simpleng selebrasyon ng binyag ni Stellar, ang panganay na anak nila ng kaniyang asawa at singer-actor na si Kean Cipriano.
Hindi man siya nagbabahagi ng mga larawan ng kaniyang anak, aktibo naman si Chynna sa pagpo-post ng mga updates tungkol sa paglaki nito.
Ngayon halos tatlong buwan na mula nang isilang si Stellar, binubuo na raw ng kaniyang mga magulang ang sarili nitong library.
Gayunpaman, ikinagulat ng Kapuso actress ang mga napiling babasahin ng kaniyang anak.
“In the process of building Stellar's library... The bibliophile gene has obviously been passed on to her. I try to read fairy tales but she likes big books already,” kuwento ni Chynna.
Dagdag pa niya, “Obvious favorites are 'Letters To A Young Poet' and 'Just Kids.' The reader in me is over the moon!”
Sa naunang panayam, sinabi ni Kean na nais nilang mag-asawa na panatilihan ang privacy ng kanilang pamilya.
Ngunit hindi raw totoo ang mga usap-usapang itinatago nila ang kanilang anak sa publiko.
Pahayag ng aktor at bokalista, ““We go to mall, to church, nakikita niyo kaming naggu-grocery, makikita niyo kami around. It’s just that we’re doing our best to have our privacy and protect ourselves.” — RSJ, GMA News