ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH
Regine Velasquez, Donna Cruz reunite onstage
Muling nagkaroon ng pagkakataon na magkasama sa entablado ang mga kilalang singer at magkaibigan na sina Regine Velasquez at Donna Cruz nitong Sabado, July 30, sa “The Regine Series: Nationwide Tour” na naganap sa Cebu.
Nanonood lamang si Donna ng nasabing concert kasama ang kaniyang anak nang paakyatin siya ni Regine sa stage.
Inawit ng dalawa ang “I Can,” ang theme song ng “DoReMi,” ang pinagbidahan nilang pelikula noong 1996 kasama si Mikee Cojuangco.
Kasalukuyang naka-base si Donna sa Cebu matapos siyang magpakasal kay Yong Larrazabal noong 1998.
Susunod na mapapanood ang "The Regine Series" sa Davao ngayong darating na Linggo, August 6. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: reginevelasquez, donnacruz
More Videos
Most Popular