ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, Dingdong Dantes enrolls Baby Zia to play school


Proud ang Kapuso Primetime Queen at “Yan Ang Morning!” host na si Marian Rivera sa pagsisimula ng pag-aaral ni Maria Letizia, ang panganay na anak at unica hija nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Sa isang Instagram post nga nitong Sabado, ibinahagi ni Marian na ikalawang araw na ni Baby Zia sa play school.

 

 

Happy Saturday ???? #SecondDayOfPlaySchool #MariaLetizia ????????

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

 

Pagbabahagi niya sa panayam ng Pep.ph, “About music lang naman, mingling sa ibang mga bata. Halimbawa, 'Sounds like a bird, tapos ipapakita 'yung book ng bird, then 'It’s a bird!' Tapos, 'Tweet, tweet.'” 

Siyam na buwan pa lamang si Baby Zia, ngunit nais na ng mag-asawa na matuto itong makipag-socialize.

“Lahat naman ng bata ngayon, nagga-ganun na. Nakikipag-socialize na para siyempre yung development nila bilang bata. Ayoko naman na kapag nilalabas ko siya, takot siya sa tao. Gusto ko namang ma-develop ang personality niya.”

Balak rin daw nina Dingdong at Marian na i-enroll ang kanilang anak sa swimming at piano lessons pagkatapos na unang kaarawan nito sa November 23. — RSJ, GMA News